Kailan: 17 September 2025 (Wednesday)
Oras: 10:00 AM – 11:00 AM
Saan: Online via Zoom (ang link ay ipapadala sa mga registered participants)
Ang Department of Trade and Industry – E-Commerce Bureau (DTI-ECB) ay maglulunsad ng E-Onboard na ’Yan!: Unlocking Opportunities in E-Commerce, isang digital onboarding project para sa mga trade fair exhibitors. Layunin nitong matulungan ang ating mga micro, small, at medium enterprises (MSMEs) na mag-shift mula sa traditional o offline na negosyo patungo sa online marketplace para mas mapaayos ang operations, mas lumawak ang market reach, at higit sa lahat, mapalago ang inyong negosyo.
Bakit mahalagang sumali?
Ang session na ito ay ginawa para sa inyong negosyo. Sa panahon ngayon, hindi na sapat na nakaasa lang sa tradisyunal na paraan ng pagbebenta. Kailangan nang makasabay sa digital economy para manatiling relevant at competitive. Sa session na ito, matututunan ninyo kung paano:
• Mag-set up ng online store sa iba’t ibang e-marketplaces
• Mag-activate ng P2M (Person-to-Merchant) digital payment accounts
• I-integrate ang logistics at delivery services
• Mag-build ng consumer trust para sa online transactions
Ano ang aasahan sa session?
• Presentation mula sa DTI-ECB
• Mga imbitadong resource persons mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Department of Information and Communications Technology (DICT)
• Isang Q&A portion para diretsong masagot ang inyong mga tanong kung paano makakatulong ang e-commerce sa paglago ng negosyo
Ano ang susunod na hakbang?
Pagkatapos ng orientation, susundan ito ng mga platform-specific onboarding sessions na magbibigay ng mas detalyadong gabay sa store setup, digital payment activation, at logistics integration. Ang mga session na ito ay pangungunahan ng mga eksperto mula sa mga pangunahing platforms tulad ng Shopee, Lazada, TikTok Shop, foodpanda, Grab, GCash, Maya, Lalamove, QuadX, at iba pa. Dito ibabahagi ang mga praktikal na kaalaman at tips na maaari ninyong agad gamitin para maisulong ang inyong negosyo mula offline papunta online.



