Saturday, June 21, 2025
COCOLIFE | ARUGACOCOLIFE | ARUGACOCOLIFE | ARUGACOCOLIFE | ARUGA
HomeHealthZ Benefit Package for Post Kidney Transplantation Services

Z Benefit Package for Post Kidney Transplantation Services

Ang sakit sa bato o Chronic Kidney Disease (CKD) ay isa ngayon sa mga pangunahing sakit sa bansa — isa sa bawat tatlong Pilipino ay posibleng magkaroon nito. Dahil sa mahabang gamutang kaakibat nito, naaapektuhan ng sakit sa bato ang iba’t ibang aspeto ng buhay ng mga pasyente: ang kanilang mga trabaho, kalidad ng pamumuhay, at lalo na ang kanilang mga naipundar.

Kaya naman, sa direksyon ng Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., patuloy na pinalalawig ng PhilHealth ang mga benepisyo nito lalo na para sa pagpapa-dialysis, kidney transplantation, at ngayon, pati na rin para sa tuloy-tuloy na gamutan at pagpapasuri ng pasyente upang panatilihing tagumpay ang operasyon.

Nais natin na maging dito ay wala ng alalahanin ang ating mga kababayan nang sa gayo’y pagpapalakas na lamang ang kanilang tututukan. Kaya naman, ating binabahagi ang dalawang bagong benepisyo ng PhilHealth: Z Benefits Package para sa Post-Kidney Transplantation Services, isang para sa mga bata at isa sa mga mas nakatatandang mga Pilipinong nakatanggap ng bagong bato mula sa mga donor.

Sa ilalim ng bagong benepisyo para sa mga bata, ilan sa mga babayaran ng PhilHealth ay:

  1. Php 73,065 sa kada-buwan na immunosuppressive medications para sa unang taon at Php 41, 150 kada-buwan sa mga susunod na taon;
  2. Hanggang Php 45, 570 na kada-buwan na drug prophylaxis o antibiotic para makaiwas sa impeksyon;
  3. Php 37,585 sa bawat tatlong buwan na pagpapa-laboratoryo para sa unang taon at Php 14,078 naman sa kada-tatlong buwan para sa mga susunod na taon; at maraming pang ibang serbisyong naka-detalye sa polisiyang ilalabas ng PhilHealth.

Para naman sa mga mas nakatatanda, edad 19 o higit pa, ilan sa mga babayaran ng PhilHealth ay:

  1. Php 40, 725 sa kada-buwan na immunosuppressive medications;
  2. Php 18, 932 para sa anim na buwan na gamutan;
  3. Php 11,242 para sa bawat tatlong buwan na pagpapa-laboratoryo para sa unang taon at Php 8,125 naman sa kada-tatlong buwan para sa susunod na taon; at iba pang mga serbisyong naka-detalye sa polisiyang ilalabas ng PhilHealth.

Sa ilalim ng parehong post-Kidney Transplant Services benefits ay makatatanggap na rin ng suporta ang mga nagmagandang loob na mag-donate ng kanilang bato. Ang mga living donors para sa mga bata at mga mas nakatatanda ay parehong makatatanggap ng Php 1,900 para sa kada-anim na buwan na pagpapa-laboratoryo at monitoring mula sa PhilHealth. Itong kalinga at suportang hatid natin para ating donors ay bunga ng ating pagkaunawa ng kahalagahan ng komunidad sa pagseseguro ng kalusugan ng lahat.

Kaya naman, patuloy na pinaiigting ng PhilHealth ang paglilingkod nang tayo ay makapaghatid ng isang Mabilis, Patas, at, Mapagkakatiwalaang agabay sa bawat Pilipino.

RELATED ARTICLES
spot_imgspot_imgspot_imgspot_img
Manila
light intensity shower rain
26.4 ° C
28 °
25.6 °
92 %
2.6kmh
100 %
Sat
29 °
Sun
29 °
Mon
30 °
Tue
29 °
Wed
32 °
PHP - Philippine Peso
USD
56.23
EUR
64.87
AUD
36.53
CAD
41.34
JPY
0.39
KRW
0.04
THB
1.74
SGD
43.86
HKD
7.16
GBP
76.20
NZD
33.90

Most Popular

Want to stay up to date with the latest news?

We would love to hear from you! Please fill in your details and we will stay in touch. It's that simple!

We do not sell or share your information with anyone