Friday, September 20, 2024
COCOLIFE | ARUGACOCOLIFE | ARUGACOCOLIFE | ARUGACOCOLIFE | ARUGA
HomeMoneyPinakamataas na net satisfaction rating, iginawad sa PhilHealth

Pinakamataas na net satisfaction rating, iginawad sa PhilHealth

Inihayag ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na natanggap nito ang pinakamataas na net satisfaction rating mula sa mga miyembro batay sa nationwide survey ng Novo Trends Ph, Inc. na isinagawa noong Setyembre 2022.

Ayon sa serbey, nagresulta sa 93.75% ang net satisfaction rating ng ahensya mula sa 3,000 miyembro na sinerbey ng Novo Trends sa iba’t-ibang tanggapan nito sa buong bansa.  Ang “kalidad ng PhilHealth staff at serbisyong kanilang natanggap, kasiyahan sa impormasyong ibinigay sa kanila lalo na sa paggamit ng benepisyo, kalidad ng pasilidad sa mga Local Health Insurance Offices, at mga benepisyong natanggap ng kanilang pamilya sa pagkaka-ospital” ang mga pangunahing dahilan ng kanilang kasiyahan o satisfaction batay sa serbey.

Tumaas naman sa 86.79% ang net satisfaction rating na ibinigay ng mga ospital at iba pang pasilidad o halos sampung porsyentong pagtaas mula 77.14% noong 2021. Nasiyahan sila sa “mabilis na transaksyon, mabait na staff at mas updated na pagbabayad ng PhilHealth”.

Nakatanggap naman ng 86.31% net satisfaction rating ang PhilHealth mula sa mga employer na nagsabing “madali ang pagbabayad at magagalang ang empleyado”, samantalang 79.83% naman ang rating mula sa healthcare professionals na tinukoy ang “mabilis na aksyon at magalang na mga tao” at “malaking ibinuti ng serbisyo at pasilidad” sa mga tanggapan ng PhilHealth.

Ang lahat ng net satisfaction rating ng mga miyembro, pasilidad, healthcare professionals at employers ay pawang “excellent” o mahusay. 

Nagsalita na ang mga tao sa tunay na saloobin nila sa PhilHealth. Kami po ay lubos na natutuwa sa magandang balitang ito at ito ay dahil sa pagsisikap ng buong Team PhilHealth. Makakaasa ang ating mga kababayan na ipagpapatuloy namin ang de-kalidad na serbisyo para lalo nilang maramdaman ang mga benepisyo ng PhilHealth at Universal Health Care.” , pahayag ni PhilHealth President and CEO Emmanuel R. Ledesma, Jr..

RELATED ARTICLES
spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

TODAY'S WEATHER

Manila
moderate rain
26.3 ° C
27.8 °
25.6 °
93 %
1kmh
100 %
Fri
26 °
Sat
25 °
Sun
26 °
Mon
30 °
Tue
31 °

EXCHANGE RATES

PHP - Philippine Peso
USD
55.6590
AUD
37.8793
SGD
43.0642
CAD
41.0059
EUR
62.1024
GBP
73.9998
HKD
7.1418
CNY
7.8882
KRW
0.0416
NZD
34.6413
JPY
0.3857
1,760FansLike
115FollowersFollow

Most Popular

Want to stay up to date with the latest news?

We would love to hear from you! Please fill in your details and we will stay in touch. It's that simple!

We do not sell or share your information with anyone