Friday, September 20, 2024
COCOLIFE | ARUGACOCOLIFE | ARUGACOCOLIFE | ARUGACOCOLIFE | ARUGA
HomeHealthPhilHealth at DICT, nagkasundo para sa mas maayos na digitalization system

PhilHealth at DICT, nagkasundo para sa mas maayos na digitalization system

Lumagda kamakailan ng isang Memorandum of Understanding (MOU) ang Philippine Health
Insurance Corporation (PhilHealth) at Department of Information and Communication Technology (DICT) upang magkaroon ng synchronized at well-coordinated ICT system at mas matiyak ang integration, interoperability at interconnection ng systems at applications ng dalawang ahensya.

Dahil sa nasabing kasunduan, inaasahang mapapabuti ang serbisyo ng PhilHealth sa 111 milyong Filipino nasaan man sila sa mundo.

Sa ilalim ng partnership, susuriin ng DICT ang kasalukuyang sistema ng PhilHealth para makapagbigay ng rekomendasyon at istratehiya para mapagbuti pa ang ICT system ng nasabing ahensya.

“Maraming proseso at serbisyo ang PhilHealth na kailangan ng computerization at digitalization upang lalong maging mabilis at kasiya-siya sa lahat ng Filipino. Isa ito sa mga plano na inilahad namin kay President Bongbong Marcos Jr. Hindi namin bibiguin ang Pangulo at ang lahat ng kababayan natin”, ani ni PhilHealth Chief Emmanuel R. Ledesma, Jr.. Nagpasalamat din siya sa DICT team sa pangunguna ni Sec. Ivan John Uy at Usec. David Almirol, Jr. para sa kanilang suporta sa PhilHealth digital transformation plan.

Sinabi naman ni Sec. Uy na ang kasunduan ay maituturing na “milestone in terms of e-governance” dahil ito ay tutugon sa matagal nang hamon ng pagdi-digitize ng public health care. Dagdag pa ni Uy, makakatulong ang naturang partnership sa pagbibigay ng mas mabuting serbisyo at pagpapadali ng paggamit ng benepisyong PhilHealth.

RELATED ARTICLES
spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

TODAY'S WEATHER

Manila
broken clouds
30.4 ° C
31.2 °
30 °
74 %
2.1kmh
75 %
Fri
30 °
Sat
25 °
Sun
26 °
Mon
29 °
Tue
31 °

EXCHANGE RATES

PHP - Philippine Peso
USD
55.5635
AUD
37.8326
SGD
42.9858
CAD
40.9683
EUR
62.0045
GBP
73.7851
HKD
7.1288
CNY
7.8613
KRW
0.0419
NZD
34.6627
JPY
0.3888
1,760FansLike
115FollowersFollow

Most Popular

Want to stay up to date with the latest news?

We would love to hear from you! Please fill in your details and we will stay in touch. It's that simple!

We do not sell or share your information with anyone