Saturday, November 23, 2024
COCOLIFE | ARUGACOCOLIFE | ARUGACOCOLIFE | ARUGACOCOLIFE | ARUGA
HomeHealthLIBRENG KONSULTASYON AT GAMOT

LIBRENG KONSULTASYON AT GAMOT

Ang sakit, puwedeng agapan, kung tayo ay kumakain ng mas maraming prutas at gulay at umiinom ng walong baso ng tubig, natutulog ng pito hanggang walong oras isang araw at nag-eehersisyo ng hanggang tatlumpung minuto sa isang araw.

Puwede ring maiwasan na lumala ang sakit kung nagpapakonsulta agad sa doktor, nagpapalaboratoryo at naiinom ang tamang gamot. Ang problema, ang ilan ay tinatamad na magpunta sa doktor. O kaya, wala kasing perang pampakonsulta.

Pero paano kung may libre? Mayroon nang libreng konsultasyon at maaari ka ring makapagpa-laboratoryo at mabigyan ng gamot sa ilalim ng Konsulta Package ng Philhealth. Iilan pa lamang ang nakakaalam na may ganitong benepisyo ang mga miyembro ng Philhealth kaya’t noong Lunes, Hunyo 19, pinalakas pa ang information campaign dito at lalong inilapit ang Konsulta Package sa publiko makaraang magkaisa ang limang government units at dalawang pribadong healthcare providers para bumuo ng primary care provider network para mabilis na makakuha ng serbisyo ang mga mamamayan at makuha ang benepisyo sa Philhealth.

Ang mga lalawigan ng Quezon, Guimaras, Bataan, South Cotabato ang lunsod ng Baguio ay nakipagkasundo sa Philhealth upang sila ang maging pilot areas o sandbox sites para sa implementasyon ng Konsultasyong Sulit at Tama o Konsulta primary care benefit package.

Maaari nang makapagpatingin ng libre ang mga mamamayan sa LiFE at QualiMed sa mga lugar na ito bukod sa mga sariling health centers at public hospitals ng limang government units. Ang mga public providers o pampublikong health facility para sa konsultasyon ay bibigyan ng P500 ng PhilHealth kada miyembrong magpapatingin. Kapag pribadong provider, P750 naman. Ang pera ay ilalagak na agad ng Philhealth sa mga Konsulta providers na ito para hindi na sila mahihirapan pang maningil sa state health insurer at hindi na rin kailangang magpa-reimburse ang pasyenteng miyembro ng Philhealth.

Ang maganda pa, ang Konsulta package ay mayroon ding libreng laboratory at diagnostic tests at dalawampu’t isang karaniwang gamot na inirereseta sa mga kadalasang sakit tulad ng diabetes at mataas na presyon ng dugo. Pero ito ay makukuha lamang kung ipag-uutos ng Philhealth accredited Konsulta provider o irereseta nila ang gamot.

Sa isinagawang press conference ng Department of Health at Philhealth sa Citystate Centre Pasig noong Hunyo 19, sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa  na “this event today is a game changer in the Universal (Health) Act. For the first time we recognize primary care. It’s the main responsibility of the Department of Health and the local government, to make sure that the healthcare delivery system will make a primary care doctor, assisted by other doctors and nurses, available to each and every Filipino.”

Kailangan munang magparehistro ang mga miyembro sa Konsulta facility bago siya makapagpatingin. Puwedeng mag-walk in sa mga lokal na opisina ng Philhealth, sa mga local government offices o magparehistro online. Para makapagpa-rehistro online, pumunta lamang sa PhilHealth website na www.philhealth,gov.ph at i-click ang Member Portal at gumawa ng account gamit ang iyong PhilHealth Identification Number (PIN). Pumunta sa Konsulta tab, piliin ang nais na accredited provider at magparehistro.

Matapos ang registration sa Konsulta provider, maaari nang simulan ang paggamit ng benepisyo. Para makagamit ng benepisyo, kailangan lamang kumuha ng Authorization Transaction Code (ATC) sa Philhealth local office at ito ay ipapakita sa Konsulta provider sa bawat pagbisita dito. Maaari ring magpatulong sa Philhealth call center sa numerong 8441-7442

RELATED ARTICLES
spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Most Popular

Want to stay up to date with the latest news?

We would love to hear from you! Please fill in your details and we will stay in touch. It's that simple!

We do not sell or share your information with anyone