Sunday, November 10, 2024
COCOLIFE | ARUGACOCOLIFE | ARUGACOCOLIFE | ARUGACOCOLIFE | ARUGA
HomeHealthINGAT SA INIT

INGAT SA INIT

Wala raw summer sa Pilipinas. Masyado lang tayong napagaya sa mga Amerikanong tinatawag na “summer” ang tag-init. Ayon sa PAGASA, ang tawag talaga sa buwan ng Marso, Abril at Mayo ay hot, dry season o tag-init na tag-tuyo.

Pero anuman ang tawag sa panahong ito, ang dapat nating pag-ingatan ay ang posibilidad ng heat stroke o panghihina at pagkahimatay dahil sa matinding init.

Ang normal na body temperature ng tao ay nasa 36.1 degrees centrigrade hanggang 37.2. Kapag tumaas pa dito, malamang na nilalagnat na ang isang tao. Sa heat stroke, umaabot pa sa 41 degrees centigrade ang body temperature.

Paano malalaman kung ikaw ay tinamaan ng heat stroke? Kabilang sa mga simtomas, bukod sa pagtaas ng body temperature, ay pagkahilo, pagsusuka, pagod, nanghihina, masakit na parang sasabog ang ulo, pamumulikat at pagsakit ng muscles.

Umiinit din ang balat, bumibilis ang tibok ng puso at bumababaw ang paghinga ang inaatake ng heat stroke.

Bukod diyan, ang nahi-heat stroke ay parang wala sa sarili, hindi mapakali, hindi malaman kung nasaan siya, hindi nagpapawis kahit mainit, o maaaring mahimatay, mangisay at ma-coma.

Humihina ang takbo ng dugo at ang pag-akyat ng oxygen sa utak kaya nararanasan ito ng na-heat stroke.

Ang madalas na tamaan ng heat stroke ay ang mga sanggol at matatanda. Pero maaari ring mangyari ito sa mga nasa tamang edad pero nakababad lagi sa init tulad ng mga nagmomotorsiklo, naglalako ng paninda, naglalakad ng mahaba sa initan, nagta-trabaho sa ilalim ng init, laging naka-itim na damit, nagkukulong sa mainit na sasakyan at ang mga hindi palainom ng tubig.

Maaari rin itong mangyari sa mga atleta o sumasali sa mga marathon at iba pang aktibidad na kumikilos sa ilalim ng init.

Kapag na-heat stroke, narito ang mga pangunahing dapat gawin: dalhin sa isang malilim na lugar o sa loob ng bahay ang pasyente. Habang tumatawag ng tulong-medikal, luwagan o tanggalin ang damit ng pasyente para makahinga ng mabuti at mabawasan ang nararamdamang init. Kung ito ay gising, painumin paunti unti ng tubig. Ihiga ang pasyente na bahagyang nakataas ang paa. Ispray-an ng malamig na tubig ang katawan o basain ng bimpo. Tapatan ng electric fan o paypayan para bumaba ang init. Dalhin sa pagamutan kung kinakailangan.

Maaaring makamatay ang heat stroke kaya’t importanteng sa panahon ng tag-init, uminom lagi ng tubig, kumain ng prutas at gulay at huwag masyadong ma-karne ang pagkain, magsuot ng damit na naaayon sa panahon at huwag masyadong magbabad sa init.

RELATED ARTICLES
spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Most Popular

Want to stay up to date with the latest news?

We would love to hear from you! Please fill in your details and we will stay in touch. It's that simple!

We do not sell or share your information with anyone